Monday, December 19, 2005

counting days

... at lumipas ang mga araw



at ang mga buwan ay naging taon.



At ang awit ng kalungkutan ay nagpatuloy sa pagtugtog,



pilit na ibinabaon ang pighati at luha...



umaagos at tumatagos sa damdamin at kaluluwa.





Isang patalim na nakasusugat,



tulad ng iyong mga matang



puno ng lungkot at pamumugto.





Tumutupad ako sa aking pangako



na kailanma'y di ka na mamahalin.



Ngunit ang puso ko'y sadyang mapagpaalala



na ako ay mahina at marupok.





... at lumipas ang mga taon.



Ang kalungkuta'y naging kabaliwan.



at sa kabaliwang iyon ay --



katahimikan.





Patuloy sa pagtugtog ang himig.



Kahit kailanma'y di ko inisip na ako'y iyong patatawarin.





Subalit kung ang araw ay dumating



na ako'y iyong hanapin,



sundan mo ang hangin...



patungo sa puntod ko'y tatahakin.